Maraming nilalang ang hindi naniniwala sa kamalasan. They say that in life you have a lot of options; destiny has no power to rule over it. Pero I think dahil sa nangyari samin nitong huwebes ay maniniwala na ako na malas ang may balat sa pwet at kung maari ay magpapahula na rin kay Madam Auring next time.
Huwebes ng umaga, holiday noon dahil sa Manila Day. Siyempre, full effort ang galak namin kasi yung day na yun gaganapin ang photoshoot. Ang napagkasunduang oras ay alas diyes at I’m proud dahil ilang minutes lang ako late. Oh diba asensado. Since ako na lang ang inaantay, pagdating na pagdating ko sa UST ay diretso na kami agad sa Espanya para sumakay ng jeep papuntang Intramuros. Syempre dahil sa first timers kami, tinanong ko kung magkano ang pamasahe, sinabi ni mamang drayber na 8 pesos daw. And pagkatapos nun ay napatunganga ako at napaisip na parang pineperahan kami ng gagong ito kasi parang 7 pesos lang talaga ang fare. Napaisip na naman ako, then naconclude ko na ako pala yung gago kasi nagtanong pa ako. Wala na kaming nagawa kundi magbayad na lang ng otso pesos. Mas nanlumo pa ako noong nasa may malapit na kami ng pier kasi super grabe ang baha doon. Matirik na nga yung araw tapos ganun pa rin ang lugar na yun. Sulit pa rin kaya yung binayad namin? Ang baho na nga yung daan tapos walang pakundangan pang pinapaharurot ni manong drayber ang kanyang sasakyan kaya nagtatalsikan tuloy ang tubig baha na naging heterogeneous mixture dahil sa mga basura at iba pang kaekekan. Dahil sa kabutihan parin ng Diyos eh nakarating kami sa aming location (oh diba). Nagbayad kami ng aming admission fee na 50 pesos. Pagdating doon, nag retouch lang sila tapos nagsimula na agad. Pagkatapos nilang lahat mapicturan ay bumababa kami (kung saan man kami galing) para mag change location. Kasi ba naman parang hindi nagmumukhang intramuros yung background, sayang pa tuloy yung binayad namin. So pumunta na kami doon sa may parang bay na may naglulutangang patay na water lilies. Dahil si Jem ang may debut, siya na yung pinauna namin for that location. Full effort na si Jem at ‘tila nag iinit na ang dugo at nawarm up na ang katawan nang biglang umeksena si mamang katipunero at pinapaalis kami dahil daw bawal ito.Kailangan daw magbayad ng tumataginting na dalawang libo para sa photoshoot. Eh wala kaming nakita eh, hindi kasi visible to the eyes yung sign nila for that matter. Amp naman oh. Syempre, hindi pinalagpas ni Jem ang pag gamit ng kanyang convincing powers. Pumapayag na si kuya noon eh ng biglang may bumulong na demonyo sa kanya kaya ayun, kami na yung kusang umalis. Mas nakakahiya naman yung kami pa ang kaladkarin ng Katipunerong ito. Para naman hindi magmukhang harsh si kuyang katipunero na security guard lang pala eh sinabihan na lang kami na magparefund. So ayun nga tinungo na namin yung ticket booth para magparefund. Napakamayumi nga yung approach namin noong nagparefund kami eh. Tapos bigla ba naman kaming sinigawan ng babae sa may ticket booth na feeling maputi at maganda na dahil sa may aircon lang ang kwartong kanyang kinalalagyan. Tapos di ko ba naman akalain na si Beth pala ay napaka warfreak. Siya talaga yung concentrated sa pagtuligsa sa salot na babaeng yun. Pwede naman kasing kausapin kami ng mahinhin, ngunit yung in a pasigaw manner, aba baka mas grabe pa yung ginawa kay Rizal ang gawin namin sa kanya. Baka pagahasa namin yun sa mga kabayo doon sa Fort Santiago publicly. Nakakasuka na nga kasi yung mukha, nakakairita pa yung ugali. So wala na kaming nagawa kundi umalis. Pag alis namin eh binalaan ni Beth yung babae na humanda siya dahil Lawyer ang tatay niya. Pinabalik ba naman si Beth tsaka sinabing ‘wag daw kaming pa-lawyer lawyer. Well, humanda siya kasi tototohanin yun ni Beth. So ayun nga, di lang kami na harass, nakurakot pa kami. If I know, di ibibigay ng babaitang yun sa management , sa bulsa niya yun didiretso para may pang load sa pinapaaral niyang binatilyo. Mga sugar mommy nga talaga. AMP talaga.
Dahil sa ayaw namin masira ng tuluyan ang aming araw, dumiretso kami sa Luneta Park. So sumakay ulit kami ng jeep na may project 6 ata yun. Noong nasa part na kami ng may maraming street people, nagtaka ako kung anong ibig sabihin ng komosyon doon. Mas naging skeptical pa ako noong may mga taong grasa na parang humihingi ng pera kay kuya drayber. Sa isip isip ko eh asensado na at pati ang mga taong grasa nangongotong na rin. So patuloy parin ang pagtahak namin sa lugar na iyon. Noong nasa may kalagitnaan na kami ng mga tao, bigla ba namang may nangbuhos ng tubig sa amin. Parang WTF! Di ako makareact noon dahil hindi ko alam kung saan galing yung tubig na yun. Yun ba ay galing sa heterogeneous mixture na sinasabi ko kanina or sa arenola nila na may kasama pang feces tidbits. Putang Ina talaga. So shocked kami ng sobra dahil hindi namin talaga akalain. Hindi pa kami nakakarecover sa aming pagkadistress ng biglang may bumuhos na naman sa amin. PUTANG INA IN CAPSLOCK na talaga. Si Sam, hindi na noon nagsasalita. Ang body language niya that time ay nangangahulugang bwisit na siya. Kay Faye ako sobrang na astonish kasi FIRST TIME ko ba naman siyang narinig magmura. Take note, ang fluent at super spontaneous, walang kabulolan. Lahat kami ay napuruhan pero naaawa ako kay ale na basang basa na nga noong una, napuruhan pa ulit noong pangalawa. Parang basang sisiw na tuloy na may masagwang amoy.
Pagdating namin sa may Luneta Park, may lalaking lumapit sa akin asking what time is it na. Dahil sa mabait ako, nagtanong ba naman ako kay Sam kung anong oras na. Pero yung mga kasama ko pala eh ninenerbyos na dahil modus operandi pala yun ng mga naghyhypnotize for the sake na magnakaw lang. Amp talaga, buti na lang literate mga kasama ko sa mga bagay na yun kundi natangay na lahat ng gamit ko. Pero potek naman ng lalaking yun, Psych Major ako tapos mas alam pa niyang mag Hypnotize, asensado na rin talaga ngayon ang mga mang gagancho. So ayun nga, nagsimula ng natakot ang mga kasama ko dahil nakakafeel na sila ng kakaibang aura. Pati nga rin yung signals ng radar ko eh walang ng masagap na good energy. Pinagtitinginan na kami ng mga tao doon na hindi mo sure kung mababait sila o inoobserbahan na yung mga galaw namin tapos bigla nalang kaming lalapitan at hablutin lahat ng aming kayamanan sa katawan. So iyon nga, nagdecide na kami na bumalik sa UST.
Pagbaba namin sa may stairs sa Luneta Park, sa may harap ng Rizal Shrine pinagdedesisyonan na namin kung saan kami sasakay. Noong nakababa na kami, ilang steps palang ang aming naipadyak ng biglang may napadausdos na motor sa harap namin at natumba ito tsaka naipit yung driver. Dahil sa lakas ng impact ng kanyang pagbagsak, basag ang motor niya, nagleak yung gas at super gasgas yung kamay niya. Ang nakapanlulumo eh yung pagtingin niya sa aming mga mata na para bang humihingi ng tulong. Yung mga mata niya ng oras na iyon ay parang sa aso na tila ba super hopeless. Buti na lang at may mabait na taxi driver na tumigil at tumulong kay mamang Arabo. Sobrang natakot na talaga kami noon at hindi mapagtanto kung bakit ginaganito kami ng araw na ito. With no hesitation eh napagpasyahan na namin talagang bumalik sa UST as soon as possible. Dahil sa walang fx na dumadaan ay sinabi ni Gerine na sa may taft na lang kami sasakay ng LRT. So pumayag kaming lahat noon dahil gusto na namin talaga umuwi. Pero napatigil ako nang biglang may naradar ang signal ko. Meron ba namang tatlong lalakeng super lagkit ang tingin sa amin. At ang kinatatayuan ng mga lalaking iyon ay kung saan kami dapat dadaan. So ayon, retreat agad kami kasi naman parang uuwi kami ng UST na hubo’t hubad dahil sa masamang motibo na ipinapahiwatig ng mga mata ng mga lalakeng iyon.
So iyon nga, kahit anim kami eh naglakas loob kaming pumara ng ordinary taxi kahit nadadoubt kaming magkakasya kami. Buti na lang at pumayag si kuya drayber na anim ang isakay niya. Noong sumakay na kami, napatingin ako sa may taas ng Manila Hotel tapos na alarm ako sa nakita ko kasi nasusunog yung taas ng Manila Hotel! Grabe, di na namin talaga alam kung ano pang susunod na kamalasan ang darating sa amin. Super eager na kaming makabalik agad sa UST. On our way home, tinanong namin kay kuya drayber kung bakit nagbabasahan, sabi niya San Juan Day daw. Sa isip ko ay minumura ko na ang mga taong nangbuhos sa amin dahil mga epal sila. Feeling nila tiga San Juan sila at nagbubuhusan. Mabuti sana kung matino talaga yung tubig na binuhos sa amin. Hindi nila alam ang grupo pala nila ang problema ng ating gobyerno. Di ko nga rin sila maintindihan minsan eh, binibigyan na nga sila ng pag-asa through DSWD pero ang iba sa kanila eh tumatakas parin. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh, panay gobyerno lang ang umaaksyon, walang kooperasyon ang mga Pilipino. Ang ginagawa lang ng ibang tao ay magreklamo ng bonggang bongga.
Nakabalik kami sa UST mga 12:15 na. Ang daming nangyari sa dalawang oras na pagexplore namin sa Manila. Mabuti na lang at safe kami nakauwi. Super hindi ko maintindihan kung ano ang meron sa araw na iyon. Para bang naadik ang malas sa amin, kumbaga parang shabu na kung nasimulan mo ng humithit eh hindi na magpapapigil pa. Even though super ill-fated ang events ng araw na iyon sa amin, we’ll just take that as an adventure. It’s an experience that will never be expunged in our memory. For as long as there will be a Manila Day, bitterness will linger in our thoughts. It’s really a BIG BLAST FOR MANILA DAY!. HAPPY MANILA DAY!
Lessons learned First, Maging lawyer para hinding hindi maaapi anak mo. Confident siyang magsasabi sa mga nang bubully sa kanya na Lawyer ang tatay niya! Second, Isama si JR next time kasi masyadong malakas ang kademonyohan niya. HAHAHA. Feeling ko siya ang may pakana kasi siya ang nagcurse sa amin. Lastly, Huwag lumabas kapag puro kayo probinsiyano. Mapagtatanto niyo na ang pinakasama sa inyong probinsiya eh pinakamabait pagdating dito sa Maynila! HAHAHAHA.
No comments:
Post a Comment