Matagal ng may ikinukubling pagkamuhi ang kailaliman ng aking emosyon. Hindi ko ito masabi-sabi sa inyo dahil sa kahihiyan. Pero ngayong malaya na ako sa gapos ng utang na loob, gusto kong imudmod sa inyong pagmumukha ang inis ko.
“NAIINIS AKO SA INYO.”
Ilang beses niyo na akong tinake advantage. Sawang-sawa na ako sa hindi ko pag-imik, sa pagiging isang martir. Panahon na para ako’y lumaban. Hindi porke’t mas mayaman kayo eh minamaliit niyo na lang ako. HOY, may karapatan din ako sa mundong ito, hindi lang kayo.
Ewan ko nga ba kung bakit ko hinayaan na itali niyo ang boses ko. Sadyang napakataas ang angas niyo. Ang tingin niyo sa lahat ng nasa paligid niyo eh susunod sa sasabihin niyo. TUTOL ang puso ko sa paggawa ng gusto niyong mangyari. Magaling naman kayo sa tingin ko ha pero sadyang hindi niyo lang kinokonsider ang pagsisiwalang kibo ko para hindi niyo maranas ang maargabyado. SELFISH much! Sa totoo lang, kasalanan niyo naman talaga ah, pero sinsama niyo parin ako. TAMA na.
Gusto ko lang ilabas ang sakit na aking naramdaman noong kinurot ninyo ang aking pasensiya at binahiran ng kalapastanganan. Huwag kayong mag-alala kasi bukas wala na naman ito, at baka bukas kahit laya na ako eh susunod na naman ako sa inyo. JUST FOR ONCE, gusto ko lang umimik. Pagbigyan niyo na ako. At pwede maging SENSITIVE naman kayo minsan, napaka INSENSATE niyo eh. Hindi ko obligasyon ang sinasabi ninyo, sana naman simulan niyo nang alamin kung ano nga ba ang talagang makabuluhan. MAGALING nga kayo diba?
PS. LOVE ko parin kayo. :) nainis lang talaga ako sa ginawa niyong yun sa akin.