Mailap ang ilaw sa daang aking tinatahak sapagkat nagkukubli ang liwanag sa pader na bumabalot sa masikip na eskinita. Takot at pandidiri ang aking nararamdaman sa bawat pagyapak ng aking mga paa. Lahat nang galaw ay selyado ng aking matatalim na mata. Ngunit nabalot nang tensyon ang aking pagkatao ng may naramdaman akong dumampi sa aking kanang paa. Huminga ako ng malalim at unti-unting tumalikod upang masilayan kung sinong nilalang ang yumapos sa aking paa. Nanlamig ang aking katawan at dahan-dahan akong lumuhod nang maaninag ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Nagsimulang tumulo ang aking luha nang bigla niya akong yakapin at marinig sa aking tenga ang matagal kong hinintay……...
Tatlong buwan na ang nakakalipas ng iwan niya ako. Nalanta ang kaligayahan ng aking pagkatao magmula ng siya’y lumisan at iwan akong mag-isa. Nangulila ako sa kasiyahang aking nararamdaman noong kasama ko pa siya. May bahid ng kalungkutan ang lahat ng aking galaw at tila nalalapnos ang pag-asang babalik pa siya.
Isang umaga, ang araw ay sumilip sa aking bintana at tila nagbigay ng bagong pag-asa. Nagmadali akong bumangon at nagbihis. Lumabas ako sa aking unit at lakad lang ako nang lakad nang biglang mapadpad ako sa isang kalsadang kaduda-duda. Hindi ko ininda ang takot at buong tapang kong linakad ang aking mga paa sa konkretong daanan. Sa gitna ng daan may dumampi sa aking kanang paa... Hindi ko mapigilan ang kasiyahang aking nararamdaman sa mga oras na yun. Sa wakas nakita ko na ang matagal ko nang hinihintay. Suot- suot pa niya noon ang damit na kanyang suot noong gabing lumisan siya. Madungis man siya sa mga oras na yun, di ko inalintanang yakapin siya.Nagsimulang tumulo ang aking luha ng tumahol siya malapit sa aking tenga na kanyang paraan upang ibulong na namiss niya ako. Sa wakas, nagbalik na rin si Pucha.
bastos ka! asdfghjkl!?!
ReplyDeletewala kang permit kay Pucha T_T
haha. wala na kong maisip na ibang pangalan eh. >:)
ReplyDeletenanosebleed ako. Anlalim! XD haha pero maganda siya. magaling pag Filipino :)
ReplyDeleteWHOA! tama ba yung nababasa ko???? >:))))) ambaet ah.....
ReplyDeleteYIE! kiligs ka naman Maki. Binastos mo pa rin si Pucha >:| Nice one FAYE! ;))
ReplyDelete