Thursday, November 4, 2010

Bulong

Mailap ang ilaw sa daang aking tinatahak sapagkat nagkukubli ang liwanag sa pader na bumabalot sa masikip na eskinita. Takot at pandidiri ang aking nararamdaman sa bawat pagyapak ng aking mga paa. Lahat nang galaw ay selyado ng aking matatalim na mata. Ngunit nabalot nang tensyon ang aking pagkatao ng may naramdaman akong dumampi sa aking kanang paa. Huminga ako ng malalim at unti-unting tumalikod upang masilayan kung sinong nilalang ang yumapos sa aking paa. Nanlamig ang aking katawan at dahan-dahan akong lumuhod nang maaninag ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Nagsimulang tumulo ang aking luha nang bigla niya akong yakapin at marinig sa aking tenga ang matagal kong hinintay……...


Tatlong buwan na ang nakakalipas ng iwan niya ako. Nalanta ang kaligayahan ng aking pagkatao magmula ng siya’y lumisan at iwan akong mag-isa. Nangulila ako sa kasiyahang aking nararamdaman noong kasama ko pa siya. May bahid ng kalungkutan ang lahat ng aking galaw at tila nalalapnos ang pag-asang babalik pa siya.


Isang umaga, ang araw ay sumilip sa aking bintana at tila nagbigay ng bagong pag-asa. Nagmadali akong bumangon at nagbihis. Lumabas ako sa aking unit at lakad lang ako nang lakad nang biglang mapadpad ako sa isang kalsadang kaduda-duda. Hindi ko ininda ang takot at buong tapang kong linakad ang aking mga paa sa konkretong daanan. Sa gitna ng daan may dumampi sa aking kanang paa... Hindi ko mapigilan ang kasiyahang aking nararamdaman sa mga oras na yun. Sa wakas nakita ko na ang matagal ko nang hinihintay. Suot- suot pa niya noon ang damit na kanyang suot noong gabing lumisan siya. Madungis man siya sa mga oras na yun, di ko inalintanang yakapin siya.Nagsimulang tumulo ang aking luha ng tumahol siya malapit sa aking tenga na kanyang paraan upang ibulong na namiss niya ako. Sa wakas, nagbalik na rin si Pucha.

Tuesday, November 2, 2010

SMILE

You never heard me bawl.

When you stabbed my heart and snatched my soul.

I thought you will keep it…

But you let it fall on the floor.


I picked up my fragmented heart,

And tried to fix its broken parts.

I started to bathe with tears,

When I saw you smashing it with your heels.


I screamed and shouted,

For you to stop it.

I wanted to kill you,

But I just can’t do it.


Step by step, you walked towards me

And little by little I felt excited.

Suddenly, you flashed your smile,

And a sacrificial victim is once again alive.

Monday, September 6, 2010

Bolt from the blue

Happiness is unforeseen, it will just startle you.

I feel rejuvenated this night. I’m just like a patient who was revived from the emergency room. I can feel the smile drawn in my face and I can’t stop the optimistic thoughts lingering on my mind. I don’t know what’s with those senseless sms of her that made me beam. Maybe my unconscious mind whispered to my conscious mind that I’m talking to the girl who stole my heart.

“We will… I miss you too.”

These words just made my night. Now I can sleep in solace and have a good R.E.M. stage.

Good night Ms. Stomach. I Miss You and I Love You.

Monday, August 2, 2010

Dear exquisite lady…..

I’m jealous because you’re thinking of him when you did it.
I’m hurt because you didn’t consider my feelings.
My heart was pummeled coz he’s more important than me.
At this point of time, envy’s leisurely decomposing my body.
I don’t know if I still exist in your world
What I just know is the truth that I can’t be with you.
I can’t anymore think how I loved thee.
Because I’m tired letting you fill my eyes with tears.
I need strength.
Oh I forgot, you’re my source of vigor!
You left me weak.
You made my entirety irrational again.

I didn’t expect that my own Freudian slip made me vulnerable tonight.


Obviously, this is not a poem. I’m just expressing my thoughts in sentences.

Saturday, July 24, 2010

hey ms stomach

Seriously, you're harassing my solace night. You're wasting my time thinking of you. I can't review nor sleep because you're dominating my mind. gaaah! I miss you. I don't know if the coffee really caused my palpitation or it's just your profile that provoked it to beat irregularly.

Saturday, June 26, 2010

A Big Blast for Manila Day

Maraming nilalang ang hindi naniniwala sa kamalasan. They say that in life you have a lot of options; destiny has no power to rule over it. Pero I think dahil sa nangyari samin nitong huwebes ay maniniwala na ako na malas ang may balat sa pwet at kung maari ay magpapahula na rin kay Madam Auring next time.

Huwebes ng umaga, holiday noon dahil sa Manila Day. Siyempre, full effort ang galak namin kasi yung day na yun gaganapin ang photoshoot. Ang napagkasunduang oras ay alas diyes at I’m proud dahil ilang minutes lang ako late. Oh diba asensado. Since ako na lang ang inaantay, pagdating na pagdating ko sa UST ay diretso na kami agad sa Espanya para sumakay ng jeep papuntang Intramuros. Syempre dahil sa first timers kami, tinanong ko kung magkano ang pamasahe, sinabi ni mamang drayber na 8 pesos daw. And pagkatapos nun ay napatunganga ako at napaisip na parang pineperahan kami ng gagong ito kasi parang 7 pesos lang talaga ang fare. Napaisip na naman ako, then naconclude ko na ako pala yung gago kasi nagtanong pa ako. Wala na kaming nagawa kundi magbayad na lang ng otso pesos. Mas nanlumo pa ako noong nasa may malapit na kami ng pier kasi super grabe ang baha doon. Matirik na nga yung araw tapos ganun pa rin ang lugar na yun. Sulit pa rin kaya yung binayad namin? Ang baho na nga yung daan tapos walang pakundangan pang pinapaharurot ni manong drayber ang kanyang sasakyan kaya nagtatalsikan tuloy ang tubig baha na naging heterogeneous mixture dahil sa mga basura at iba pang kaekekan. Dahil sa kabutihan parin ng Diyos eh nakarating kami sa aming location (oh diba). Nagbayad kami ng aming admission fee na 50 pesos. Pagdating doon, nag retouch lang sila tapos nagsimula na agad. Pagkatapos nilang lahat mapicturan ay bumababa kami (kung saan man kami galing) para mag change location. Kasi ba naman parang hindi nagmumukhang intramuros yung background, sayang pa tuloy yung binayad namin. So pumunta na kami doon sa may parang bay na may naglulutangang patay na water lilies. Dahil si Jem ang may debut, siya na yung pinauna namin for that location. Full effort na si Jem at ‘tila nag iinit na ang dugo at nawarm up na ang katawan nang biglang umeksena si mamang katipunero at pinapaalis kami dahil daw bawal ito.Kailangan daw magbayad ng tumataginting na dalawang libo para sa photoshoot. Eh wala kaming nakita eh, hindi kasi visible to the eyes yung sign nila for that matter. Amp naman oh. Syempre, hindi pinalagpas ni Jem ang pag gamit ng kanyang convincing powers. Pumapayag na si kuya noon eh ng biglang may bumulong na demonyo sa kanya kaya ayun, kami na yung kusang umalis. Mas nakakahiya naman yung kami pa ang kaladkarin ng Katipunerong ito. Para naman hindi magmukhang harsh si kuyang katipunero na security guard lang pala eh sinabihan na lang kami na magparefund. So ayun nga tinungo na namin yung ticket booth para magparefund. Napakamayumi nga yung approach namin noong nagparefund kami eh. Tapos bigla ba naman kaming sinigawan ng babae sa may ticket booth na feeling maputi at maganda na dahil sa may aircon lang ang kwartong kanyang kinalalagyan. Tapos di ko ba naman akalain na si Beth pala ay napaka warfreak. Siya talaga yung concentrated sa pagtuligsa sa salot na babaeng yun. Pwede naman kasing kausapin kami ng mahinhin, ngunit yung in a pasigaw manner, aba baka mas grabe pa yung ginawa kay Rizal ang gawin namin sa kanya. Baka pagahasa namin yun sa mga kabayo doon sa Fort Santiago publicly. Nakakasuka na nga kasi yung mukha, nakakairita pa yung ugali. So wala na kaming nagawa kundi umalis. Pag alis namin eh binalaan ni Beth yung babae na humanda siya dahil Lawyer ang tatay niya. Pinabalik ba naman si Beth tsaka sinabing ‘wag daw kaming pa-lawyer lawyer. Well, humanda siya kasi tototohanin yun ni Beth. So ayun nga, di lang kami na harass, nakurakot pa kami. If I know, di ibibigay ng babaitang yun sa management , sa bulsa niya yun didiretso para may pang load sa pinapaaral niyang binatilyo. Mga sugar mommy nga talaga. AMP talaga.

Dahil sa ayaw namin masira ng tuluyan ang aming araw, dumiretso kami sa Luneta Park. So sumakay ulit kami ng jeep na may project 6 ata yun. Noong nasa part na kami ng may maraming street people, nagtaka ako kung anong ibig sabihin ng komosyon doon. Mas naging skeptical pa ako noong may mga taong grasa na parang humihingi ng pera kay kuya drayber. Sa isip isip ko eh asensado na at pati ang mga taong grasa nangongotong na rin. So patuloy parin ang pagtahak namin sa lugar na iyon. Noong nasa may kalagitnaan na kami ng mga tao, bigla ba namang may nangbuhos ng tubig sa amin. Parang WTF! Di ako makareact noon dahil hindi ko alam kung saan galing yung tubig na yun. Yun ba ay galing sa heterogeneous mixture na sinasabi ko kanina or sa arenola nila na may kasama pang feces tidbits. Putang Ina talaga. So shocked kami ng sobra dahil hindi namin talaga akalain. Hindi pa kami nakakarecover sa aming pagkadistress ng biglang may bumuhos na naman sa amin. PUTANG INA IN CAPSLOCK na talaga. Si Sam, hindi na noon nagsasalita. Ang body language niya that time ay nangangahulugang bwisit na siya. Kay Faye ako sobrang na astonish kasi FIRST TIME ko ba naman siyang narinig magmura. Take note, ang fluent at super spontaneous, walang kabulolan. Lahat kami ay napuruhan pero naaawa ako kay ale na basang basa na nga noong una, napuruhan pa ulit noong pangalawa. Parang basang sisiw na tuloy na may masagwang amoy.

Pagdating namin sa may Luneta Park, may lalaking lumapit sa akin asking what time is it na. Dahil sa mabait ako, nagtanong ba naman ako kay Sam kung anong oras na. Pero yung mga kasama ko pala eh ninenerbyos na dahil modus operandi pala yun ng mga naghyhypnotize for the sake na magnakaw lang. Amp talaga, buti na lang literate mga kasama ko sa mga bagay na yun kundi natangay na lahat ng gamit ko. Pero potek naman ng lalaking yun, Psych Major ako tapos mas alam pa niyang mag Hypnotize, asensado na rin talaga ngayon ang mga mang gagancho. So ayun nga, nagsimula ng natakot ang mga kasama ko dahil nakakafeel na sila ng kakaibang aura. Pati nga rin yung signals ng radar ko eh walang ng masagap na good energy. Pinagtitinginan na kami ng mga tao doon na hindi mo sure kung mababait sila o inoobserbahan na yung mga galaw namin tapos bigla nalang kaming lalapitan at hablutin lahat ng aming kayamanan sa katawan. So iyon nga, nagdecide na kami na bumalik sa UST.

Pagbaba namin sa may stairs sa Luneta Park, sa may harap ng Rizal Shrine pinagdedesisyonan na namin kung saan kami sasakay. Noong nakababa na kami, ilang steps palang ang aming naipadyak ng biglang may napadausdos na motor sa harap namin at natumba ito tsaka naipit yung driver. Dahil sa lakas ng impact ng kanyang pagbagsak, basag ang motor niya, nagleak yung gas at super gasgas yung kamay niya. Ang nakapanlulumo eh yung pagtingin niya sa aming mga mata na para bang humihingi ng tulong. Yung mga mata niya ng oras na iyon ay parang sa aso na tila ba super hopeless. Buti na lang at may mabait na taxi driver na tumigil at tumulong kay mamang Arabo. Sobrang natakot na talaga kami noon at hindi mapagtanto kung bakit ginaganito kami ng araw na ito. With no hesitation eh napagpasyahan na namin talagang bumalik sa UST as soon as possible. Dahil sa walang fx na dumadaan ay sinabi ni Gerine na sa may taft na lang kami sasakay ng LRT. So pumayag kaming lahat noon dahil gusto na namin talaga umuwi. Pero napatigil ako nang biglang may naradar ang signal ko. Meron ba namang tatlong lalakeng super lagkit ang tingin sa amin. At ang kinatatayuan ng mga lalaking iyon ay kung saan kami dapat dadaan. So ayon, retreat agad kami kasi naman parang uuwi kami ng UST na hubo’t hubad dahil sa masamang motibo na ipinapahiwatig ng mga mata ng mga lalakeng iyon.

So iyon nga, kahit anim kami eh naglakas loob kaming pumara ng ordinary taxi kahit nadadoubt kaming magkakasya kami. Buti na lang at pumayag si kuya drayber na anim ang isakay niya. Noong sumakay na kami, napatingin ako sa may taas ng Manila Hotel tapos na alarm ako sa nakita ko kasi nasusunog yung taas ng Manila Hotel! Grabe, di na namin talaga alam kung ano pang susunod na kamalasan ang darating sa amin. Super eager na kaming makabalik agad sa UST. On our way home, tinanong namin kay kuya drayber kung bakit nagbabasahan, sabi niya San Juan Day daw. Sa isip ko ay minumura ko na ang mga taong nangbuhos sa amin dahil mga epal sila. Feeling nila tiga San Juan sila at nagbubuhusan. Mabuti sana kung matino talaga yung tubig na binuhos sa amin. Hindi nila alam ang grupo pala nila ang problema ng ating gobyerno. Di ko nga rin sila maintindihan minsan eh, binibigyan na nga sila ng pag-asa through DSWD pero ang iba sa kanila eh tumatakas parin. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh, panay gobyerno lang ang umaaksyon, walang kooperasyon ang mga Pilipino. Ang ginagawa lang ng ibang tao ay magreklamo ng bonggang bongga.

Nakabalik kami sa UST mga 12:15 na. Ang daming nangyari sa dalawang oras na pagexplore namin sa Manila. Mabuti na lang at safe kami nakauwi. Super hindi ko maintindihan kung ano ang meron sa araw na iyon. Para bang naadik ang malas sa amin, kumbaga parang shabu na kung nasimulan mo ng humithit eh hindi na magpapapigil pa. Even though super ill-fated ang events ng araw na iyon sa amin, we’ll just take that as an adventure. It’s an experience that will never be expunged in our memory. For as long as there will be a Manila Day, bitterness will linger in our thoughts. It’s really a BIG BLAST FOR MANILA DAY!. HAPPY MANILA DAY!

Lessons learned First, Maging lawyer para hinding hindi maaapi anak mo. Confident siyang magsasabi sa mga nang bubully sa kanya na Lawyer ang tatay niya! Second, Isama si JR next time kasi masyadong malakas ang kademonyohan niya. HAHAHA. Feeling ko siya ang may pakana kasi siya ang nagcurse sa amin. Lastly, Huwag lumabas kapag puro kayo probinsiyano. Mapagtatanto niyo na ang pinakasama sa inyong probinsiya eh pinakamabait pagdating dito sa Maynila! HAHAHAHA.

Sunday, May 16, 2010

Dont Worry, Love Ko Parin Kayo. :)

Matagal ng may ikinukubling pagkamuhi ang kailaliman ng aking emosyon. Hindi ko ito masabi-sabi sa inyo dahil sa kahihiyan. Pero ngayong malaya na ako sa gapos ng utang na loob, gusto kong imudmod sa inyong pagmumukha ang inis ko.

“NAIINIS AKO SA INYO.”

Ilang beses niyo na akong tinake advantage. Sawang-sawa na ako sa hindi ko pag-imik, sa pagiging isang martir. Panahon na para ako’y lumaban. Hindi porke’t mas mayaman kayo eh minamaliit niyo na lang ako. HOY, may karapatan din ako sa mundong ito, hindi lang kayo.

Ewan ko nga ba kung bakit ko hinayaan na itali niyo ang boses ko. Sadyang napakataas ang angas niyo. Ang tingin niyo sa lahat ng nasa paligid niyo eh susunod sa sasabihin niyo. TUTOL ang puso ko sa paggawa ng gusto niyong mangyari. Magaling naman kayo sa tingin ko ha pero sadyang hindi niyo lang kinokonsider ang pagsisiwalang kibo ko para hindi niyo maranas ang maargabyado. SELFISH much! Sa totoo lang, kasalanan niyo naman talaga ah, pero sinsama niyo parin ako. TAMA na.

Gusto ko lang ilabas ang sakit na aking naramdaman noong kinurot ninyo ang aking pasensiya at binahiran ng kalapastanganan. Huwag kayong mag-alala kasi bukas wala na naman ito, at baka bukas kahit laya na ako eh susunod na naman ako sa inyo. JUST FOR ONCE, gusto ko lang umimik. Pagbigyan niyo na ako. At pwede maging SENSITIVE naman kayo minsan, napaka INSENSATE niyo eh. Hindi ko obligasyon ang sinasabi ninyo, sana naman simulan niyo nang alamin kung ano nga ba ang talagang makabuluhan. MAGALING nga kayo diba?


PS. LOVE ko parin kayo. :) nainis lang talaga ako sa ginawa niyong yun sa akin.

Friday, May 14, 2010

Sigaw ng Kabataan, Para sa Kalikasan.


The nostalgia will never ease, the memories will stay fresh and, in no way I will forget how my life was changed in the beautiful place of Gentle People.

It’s been year ago since the day I attended the Dumaguete National Youth for Environment Summer Camp. At first, I had a tough scenario pleasing my mom to give my sanction on attending this seminar. I think I gave my best plea, so, Hello DUMAGUETE. :D

Sunday night was our departure time for Manila. It was 5 am when we arrived there. Every one of us was so excited to get in the plane, leave manila, and taste what Dumaguete can give. Waiting in the departure area is the most tedious manner to slay time. We waited for 6 hours for our flight. It was 4 pm when we were officially at Dumaguete. In the airport, there were these tricycle (traysikol) drivers who will you think graduates of BS Commerce, Majoring in Marketing. It is for the reason that they will never give up their marketing plan until you ride on their tricycles. Since we were late, we were one of the groups who didn't have a room to stay. It’s already 11pm, and we were still waiting in the corridor for the decision of DepEd. The good thing is we had superb coaches for they applied their skills in drama and theater arts that’s why we had the first 6 rooms quickly after DepEd issued it. So there, we stayed in a lodging house located near Silliman University and in front of National Bookstore. Six rooms for 20 delegates. My roommates were Ian and Joaz. It was a long day that’s why we anticipated slumber as long as we cleaned ourselves.

And that ends Day O.


*To make this post not too long, I’ll make other entries on what happened the following days.

Thursday, May 13, 2010

Night Terrors

Anxious. Vexed. Apprehensive.

These are the words that best describe my feelings. My outlook on how will tomorrow look like is emptied with certainty. It’s either admiration or denunciation.

I don’t know where I got my valor to hurl that epistle to her. Perhaps my limbic system made me grasp that it’s time for her to know. And also to let go off the things that keep on bothering me. Honestly, I draw a smile on my face, whenever I imagine scenarios packed with optimism. However, veracity will always be a nightmare for me.

In the middle of full sanguinity, it will wake me up over stressing that she’s contented with him and will never be a dream comes true for me.

If only hallucinating all night can restore me, I’ll do it. But it’s not. It’s you who I need to give me a good night sleep.

Acceptance


The feeling of being accepted is the best gift for one’s ego.

Before entering college, I was given a hard time traversing the path I would like to take. I had nights shed on tears and nursing myself out of pain. There are lots of uncertainties to what direction my life would lead to. Twinge would attack my heart if ever there are possibilities that would destroy my dream. It had been months since I fought my scheme for my future. And yes after weeks of trials and errors, I was able to taste the distinct succulent taste of victory. I was given the chance to start the journey of my choice.

But I think they’re not still geared up to embrace what I would like to be in the future. From time to time, I get vulnerable thinking that they’re not proud of me. I get wounds on what comes out of their mouth that daunts me to give up the corridors I’m walking to. I thought that triumph came to me already, but I was wrong. Now, I don’t know where my life would lead to. They poured uncertainties in my precious cup of life. I hope I will be able to withstand this, to endure all the discouragements and to utilize this as my primary motivation. I know God will always be there to give me strength and enlightenment. I anticipate the time where giving up will never be a choice. Mom and dad, I hope that time will come before long.

Totoy Much


Pero si totoy ‘di sumuko...

Alas singko na nang umaga pero I don’t know what energy provoked me to blog that midnight. That was five hours ago sa mahaba at nakakamiss na usapan namin ng maituturing kong bestfriend. Namiss ko siya, sobra. Maraming bagay na naman ang nasabi ko sa kanya that made my emotion heat up. Marahil di niya ito napansin sapagkat puro tawa lang ako. I thought laugh will make happiness prevail in my heart from the nightmare of my past where it reached the point that i have to cry and ease the pain alone.

Na-open ko sa kaniya yung tungkol sa mga ex lovers niya and how they were acting right now. Then suddenly the Junior scrapbook topic was opened. One girl came to my mind, the girl who invaded my whole being for years. She was the girl who made those fairy tales came into real life. I fell in love with her. Then suddenly it came to a point where I have to beg for her love. Nakaya kong mag-tiis at patuloy sa pag beg sa love niya hanggang sa dumating sa punto na kung saan nasabi ko sa sarili ko na “sobrang sakit na”. Hindi ko ito ininda kasi mahal na mahal ko na siya that time. Lahat na ata ginawa ko para lang pansinin niya ako.

I attempted to move on. I struggled to cross the border line of loving and forgetting. But I had the hard time of accepting that I have to let go. FIRST LOVE nga naman oh. Parang kapag pinakawalan mo siya wala nang susunod. Pinilit ko ang sarili ko na ihate siya. I tried to keep her out of my mind. Pero lahat ng pagod ko nabalewala the time na nakasabay ko siya sa jeep. Umupo ba naman sa harapan ko. Tumibok naman ang gag*ng puso at sinabayan pa ng panlalamig ng mga palad. Ninerbyos at parang nawala sa sarili. Hindi makakilos, hindi makasalita, pokerfaced. Then I realized that I just can’t un-love her and that’s how reality bites.

Pero si totoy ‘di sumuko...

...Siguro dahil sawa na rin siya sa masaklap niyang First Love

I isolated myself from her. I know that it was for my own good. Friends were there naman na umalalay sakin. Hanggang sa natutunan kong mahalin ang salitang MOVE ON.

MOVE ON. That’s the best thing i did in order to survive from cupid’s mismatched arrows. From the very start she was never mine naman eh. So apparently there was no predicament on the process how I forgot her.Since, I managed to live my life naman to the fullest the day before I was attached to her. I made myself discover how to taste freedom from my self-made- martyrdom that I suffered for almost 5 years.

I deserve also to be loved back not just loving so much.